Part 3 - "Creator of Heaven and Earth"

The Apostles' Creed  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 85 views
Notes
Transcript

Beginning and End

As we celebrate our church’s 35th anniversary, mahalaga siyempre kung alam natin kung kailan at paano tayo nagsimula. At siyempre, tinatanaw din natin kung saan tayo patungo. Lalo pa ngayon, tinatanong natin, kailan ba matatapos ‘tong pandemic at makakapagtipon na tayong lahat na walang restrictions? Similarly, kapag wedding anniversary ganun din, tinatanaw ang simula, at umaasa na hanggang kamatayan ang pagsasama ng mag-asawa. Ganun din sa birthday, kailan ka nagsimula? Noong ipinanganak, o kung ilang buwan ka sa sinapupunan ng nanay mo. Pero alam mong may katapusan din ang lahat, sa oras ng kamatayan mo. Pero may mas mahalagang tanong sa buhay natin, hindi lang yung mula sa kapanganakan natin hanggang sa kamatayan. Kailangang magkaroon tayo ng mas malawak na pananaw. We need to reach further in time and ask ourselves these questions: Saan ba nagsimula ang lahat? Saan ba patungo ang lahat? At ano ang kinalaman ng paniniwala natin kung ano ang simula at katapusan sa buhay natin sa araw-araw?
Merong iba’t ibang sagot sa tanong na ‘yan, iba’t ibang worldviews. Ang sagot ng secularism o humanism, it is all there is, kung ano ang nandyan, yun na yun. Walang Diyos. May iba’t ibang theory kung paano nagkaroon ng universe at life in the universe tulad ng big bang theory at theory of evolution. At kapag namatay daw ang tao, wala na—walang langit, walang impiyerno, walang afterlife. So? Do whatever you want to do. “Eat, drink, be merry” (Luke 12:19; 1 Cor. 15:32). Tinatawag din itong nihilism, “nothingness.” Life doesn’t have meaning. Eto yung “life without God” na tinutukoy sa Ecclesiastes.
Yung isa pang worldview ay yung determinism. Fixed na ang lahat. Kung meron mang Diyos, siya ay impersonal God. Yung mga actions, decisions and choices natin ay walang real meaning. So pwede mong i-excuse ang responsiblity mo at hindi ka accountable sa mga actions mo. At sinisisi pa ang Diyos dahil sa presence of evil. Eto rin yung attitude na “bahala na.” Tinatawag din itong “fatalism,” que sera sera, whatever will be, will be. “…the inevitable result is despair in the face of the emptiness of life” (Pocket Dictionary of Ethics, "nihilism”).
Yung isa pa ay yung deism. Meron ngang Diyos na Creator, pero iniwan na niya ang creation niya na tumakbo sa sarili niya, gamit ang mga mekanismo na inilagay ng Diyos dito. Hindi actively involved ang Diyos sa mga nangyayari. Para siyang watchmaker, pagkagawa ng relo, nakakatakbo na sa sarili niyang mekanismo. Sa ganitong worldview, hindi kailangan ang Scripture o revelation ng Diyos, no point in praying, hindi rin kailangan ang savior.
Pero iba ang biblical Christian worldview. Sa simula ng Bibliya, “In the beginning God” (Gen. 1:1). In the end, God. In the middle, God. Hindi lahat ay Diyos (pantheism yun). Merong distinction ang Creator at creation. Pero all is about God. “For from him and through him and to him are all things. To him be glory forever. Amen” (Rom. 11:36). “For none of us lives to himself, and none of us dies to himself. For if we live, we live to the Lord, and if we die, we die to the Lord. So then, whether we live or whether we die, we are the Lord’s” (Rom. 14:7-8). “I am the Alpha and the Omega,” says the Lord God, “who is and who was and who is to come, the Almighty” (Rev. 1:8). “Holy, holy, holy, is the Lord God Almighty, who was and is and is to come” (Rev 4:8)!
The Almighty. ‘Yan din ang salitang ginamit sa Apostles’ Creed: “I believe in God the Father Almighty, maker of heaven and earth”; “Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na Lumalang ng langit at lupa”; “Credo in Deum, Patrem omnipotentem, Creatorem cæli et terræ.” Last week we focused sa first part, “I believe in God the Father.” Ngayon naman ay yung kasunod, “Almighty, maker of heaven and earth.”
Ang concern natin dito ay hindi lang yung basta naniniwala lang tayo na merong Diyos na lumikha ng lahat, kundi magkaroon ng kumpiyansa na ang Diyos na ito ay ating Diyos at ating Ama. “When we have him as our God, we have life and salvation in him” (Calvin, Institutes, essentials edition, 230). Buhay—physical and spiritual life—natin ang nakasalalay dito. Theologically, hindi tayo nihilist, but practically, we often live our lives without God-centered significance or meaning. Nagiging practical fatalist din tayo kung sa mga ginagawa natin ay “bahala na” na ang nagiging attitude natin at walang paki sa consequences or responsibility. Nagiging practical deists din tayo kapag minsan ay pakiramdam natin na parang walang Diyos na kumikilos sa buhay natin, para bang ikaw na ang bahala sa lahat, hindi ka na nagpe-pray, hindi ka na nagbabasa ng Bibliya.

God Almighty

So, ang concern natin sa pag-aaral ng Creed ay hindi lang magkaroon ng tamang paniniwala (mahalaga yun!), pero mas matibay at mas malalim na pagtitiwala sa Diyos. For us to be firm in faith and have greater confidence in God as our Father. Hindi siya tulad ng mga tatay natin. Hindi nila kayang ibigay ang lahat ng kailangan natin. Even the best fathers na gustuhin mang ibigay ang lahat, gawin ang lahat, hindi nila magagawa. Bakit? Because human fathers are finite, limited, weak, imperfect—hindi tulad ng Diyos. Kaya nga tinapos ko ang sermon last week sa pamamagitan ng second half ng sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 26, tungkol sa kung ano ang ibig sabihin kapag sinabi nating, “I believe in God the Father almighty, creator of heaven and earth”:
...sa kanya ako ay tiwalang lubos kung kaya’t wala akong pag-aalinglangan na ipagkakaloob niya sa akin ang lahat ng bagay na kailangan ng aking katawan at kaluluwa at gagamitin rin niya para sa aking ikabubuti ang anumang pagsubok na ipapadala niya sa akin sa mapighating buhay na ito. Kaya niyang gawin ito dahil siya ay ang makapangyarihang Diyos, at ibig niya ring gagawin ito dahil sa siya’y isang matapat na Ama.”
Ang ugat ng maraming mga alalahanin natin sa buhay ay ang kakulangan sa pagkakilala at pagkilala sa Diyos. Sagot naman ng New City Catechism sa Question 2, “Ano ang Diyos?”
Ang Diyos ang Siyang lumalang at nagpapanatili ng bawat-isa at sa lahat ng bagay. Siya ay walang hanggan, hindi natatapos, at hindi nagbabago sa Kanyang kapangyarihan at kasakdalan, kabutihan at kaluwalhatian, sa karunungan, katuwiran, at katotohanan. Walang ibang napangyayari kundi sa pamamagitan Niya at sa Kanyang kalooban lamang.
Our God is God almighty. Sa Hebrew, El Shaddai. Ganyan nagpakilala ang Diyos kay Abraham nung siya ay 99 years old na, 24 years ang nakalipas simula nang mangako ang Diyos sa kanya na magkakaanak sila ni Sarah. Pero wala pa rin. Imposible na yatang magkaanak sila? Pero meron bang imposible sa Diyos? Kaya nga ang pakilala ng Diyos sa kanya, “I am God Almighty” (Gen. 17:1). El Shaddai. Kay Jacob din, grandson ni Abraham (Gen. 35:11; Exod. 6:3). Sabi ni Elihu kay Job, “The Almighty…he is great in power” (Job 37:23).
Ganito ba ang paniniwala natin tungkol sa Diyos ?“He who dwells in the shelter of the Most High will abide in the shadow of the Almighty. I will say to the LORD, ‘My refuge and my fortress, my God, in whom I trust’” (Psa. 91:1–2). Ito ba ang Diyos na pinaniniwalaan mo? Do you trust him that he is able to do everything na sinabi niyang gagawin niya? Yun naman kasi ibig sabihin ng “almighty.” Hindi lang siya mighty, but almighty, hindi lang powerful, but all powerful.
Ano ang ibig sabihin ng “almighty”? Magagawa ba ng Diyos ang lahat ng bagay? Makagagawa ba ang Diyos ng isang napakalaking bato na hindi niya kayang buhatin? Wrong question. Bakit? Kung hindi niya kaya, ibig sabihin hindi siya omnipotent. Kung kaya niya, at hindi niya mabuhat, ibig sabihin, merong limitasyon sa kanya. So the question is absurd. Kapag almighty hindi ibig sabihin na he can do everything. No. Hindi siya pwedeng magsinungaling. Hindi siya pwedeng maging “hindi” na Diyos. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi siya pwedeng gumawa ng masama. Dahil hindi siya mananatiling perfectly holy God kung ganun. So ibig sabihin ng omnipotent, ay magagawa niyang gawin ang lahat ng ginusto o itinakda niyang gawin, at walang makapipigil sa kanya—hindi ang tao, hindi ang kasamaan, hindi ang anuman.
“Our God is in the heavens; he does all that he pleases” (Psa. 115:1).
“Whatever the LORD pleases, he does, in heaven and on earth, in the seas and all deeps” (Psa. 135:6).
“All the inhabitants of the earth are accounted as nothing, and he does according to his will among the host of heaven and among the inhabitants of the earth” (Dan. 4:35).
Kung ano ang nais gawin ng Diyos, kung ano ang ginustong gawin ng Diyos, kung ano ang ipinasyang gawin ng Diyos, gagawin niya, magagawa niya, walang makapipigil sa kanya. He is almighty. Huwag mong lilimitahan at pagdududahan ang kapangyarihan ng Diyos.

God the Creator

Sa pamamagitan din ng kanyang almighty power nalikha ang lahat, kasama ka, kasama ako, lahat! “Worthy are you, our Lord and God, to receive glory and honor and power, for you created all things, and by your will they existed and were created” (Rev. 4:11). Kaya karugtong ng “almighty” sa Creed yung first act of power niya sa creation, “maker of heaven and earth.” Sa Nicene Creed (325 AD), na expanded form ng Apostles’ Creed, “Maker of heaven and earth, and of all things visible and invisible.” Yung act of creation ay Trinitarian work din. “In the beginning, God created the heavens and the earth” (Gen. 1:1), a way of saying he created everything! Nandun din yung “Spirit of God” (1:2). Ang Panginoong Jesu-Cristo, the Son of God, ay hindi kasama sa nilikha ng Diyos, bagamat tinawag siyang “firstborn of all creation” (Col. 1:15). Siya ay above creation dahil siya “the image of the invisible God.” “For by him all things were created, in heaven and on earth, visible and invisible, whether thrones or dominions or rulers or authorities—all things were created through him and for him” (1:16). Creation is the work of the triune God, pero primarily attributed yun sa gawa ng Diyos Ama.
Nasa Genesis 1-2 yung salaysay ng pagkakalikha ng Diyos sa lahat, lalo na sa tao. Maraming detalye ang pinagtatalunan kung paano yun ginawa ng Diyos. Literal ba yung “six days” of creation o tumutukoy yun sa isang mahabang panahon? Meron bang “gap” sa Genesis 1:1 at Genesis 1:2? May panahon para talakayin ang mga bagay na ‘yan. Pero dapat aware tayo na ang focus ng “creation story” ay hindi kung paano nalikha ang lahat ng bagay, kundi sino ang lumikha. Ang Diyos! Ang tunay na Diyos. Si Yahweh, at hindi ang mga pekeng “diyos” na sinasamba ng mga bansa. Ibig sabihin siya lang ang dapat sambahin, papurihan, pagtiwalaan, at sundin.
Tingnan n’yo ang emphasis ng mga psalms sa pagpupuri at pagtitiwala sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa:
“Of old you laid the foundation of the earth, and the heavens are the work of your hands” (Psa. 102:25).
“May you be blessed by the Lord, who made heaven and earth” (Psa. 115:15)!
“My help comes from the Lord, who made heaven and earth” (Psa. 121:2).
“Our help is in the name of the Lord, who made heaven and earth” (Psa. 124:8).
“May the Lord bless you from Zion, he who made heaven and earth” (Psa. 134:3)!
Totoong malinaw na nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng Bibliya. Pero kahit sa panahong hindi nakabukas ang Bibliya mo, at nakabukas ang mata mo para tingnan ang mga nilikha niya sa paligid mo—ang ibang tao, ang mga halaman, ang mga ibon, ang mga kabundukan, ang mga ulap—may mensaheng sinasabi ang Diyos sa ‘yo. Ano yun? “Ako ang Diyos na lumikha ng lahat ng iyan.” Para saan? For his glory—para magningning ang kadakilaan, kapangyarihan, at kagandahan ng Diyos na lumikha sa lahat. “The heavens declare the glory of God” (Psa. 19:1). Tayo na nilikha sa larawan ng Diyos (Gen. 1:26) ay nilikha para bigyang-karangalan ang Diyos (“whom I created for my glory, whom I formed and made,” Isa. 43:7).
Kapag sinabi nating God is “maker of heaven and earth,” sinasabi nating siya ang Lumikha at tayo ang mga nilikha. Hindi natin pwedeng ibigay sa sarili natin o sa ibang tao o sa iba pang nilikha ang pagsamba o pagpapahalaga na higit pa sa Diyos. Idolatry ang tawag dun. ‘Yan ang hatol ng Diyos sa lahat ng tao—we “all have sinned and fall short of the glory of God” (Rom. 3:23), we “exchanged the truth about God for a lie and worshiped and served the creature rather than the Creator, who is blessed forever! Amen” (1:25).

God the Sustainer

Genesis 3 pa lang, nagkasala na ang tao. Pwede na sanang noon din ay bawian na sila ng buhay. Pero mabuti ang Diyos, hindi niya pinabayaan ang nilikha niya. Hindi siya tulad ng pekeng diyos ng Deism. Ang Diyos natin ay actively involved sa mga nilikha niya, sa buong kasaysayan, at kumikilos para mapanatili ang lahat, para matupad ang layunin ng kanyang pagliligtas hanggang siya ang kilalaning hari ng lahat. Ito ang tinatawag na “providence.” Yes, God is sovereign. Pero sabi ni John Piper, itong “providence” ay mas may tumbok para sa kanyang mga anak, “God’s purposeful sovereignty” (Providence). So, magkakabit yung doctrine of “creation” at yung doctrine of “providence.” Hindi pwedeng paghiwalayin, bagamat walang binanggit yung Creed tungkol diyan. Sabi ng Dutch theologian na si Herman Bavinck, "For just as the creatures, because they are creatures, cannot come up out of themselves, so too they cannot for a moment exist through themelves. Providence goes hand in hand with creation: the two are companion pieces" (The Wonderful Works of God, p. 159).
Heto ang definition ng Heidelberg Catechism sa providence sa Question 27, “Ano ang nauunawaan mo tungkol sa pagkalinga (providence) ng Diyos?” Sagot,
Ang pagkalinga ng Diyos ay ang Kanyang makapangyarihan at namamalaging lakas, kung papaanong, parang sa pamamagitan ng Kanyang kamay mismo, ay patuloy Niyang pinangangalagaan ang langit at ang lupa at ang lahat ng nilalang, at Kanyang pinamamahalaan ang mga ito ng sa gayon ang dahon at damo, tag-ulan at tagtuyot, mabunga at tigang na panahon, pagkain at inumin, kalusugan at karamdaman, kasaganahan at kawalan, sa katunayan, ang lahat ng bagay, ay hindi dumarating ng ayon sa sapalaran kundi sa pamamagitan ng Kanyang mapagpalang kamay bilang Ama.
Pansinin n’yo yung sa dulo, “sa pamamagitan ng kanyang mapagpalang kamay bilang Ama.” Sabi ni John Piper tungkol sa definition na ‘to:
As in virtually all confessions, divine providence signifies an “almighty, everywhere-present power of God.” This power “upholds” and “governs” all things. But what gives this definition its twist toward providence (and not just sovereignty) is the phrase “by his fatherly hand.” This carries massive implications about the design of God’s governing of all things. It implies that everything in the universe is governed with a view of the good of God’s children! (Providence)
“All things” ang sakop ng providence ng Diyos. Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay para sa ikaluluwalhati ng kanyang pangalan at ikabubuti ng kanyang mga anak—“tag-ulan at tagtuyot, mabunga at tigang na panahon, pagkain at inumin, kalusugan at karamdaman, kasaganahan at kawalan, sa katunayan, ang lahat ng bagay...” Kasama sa lahat ng bagay na ‘yan ang Covid-19 pandemic, ang problema n’yo sa pera, ang problema n’yo sa pamilya, ang katiwalian sa gobyerno natin.

Good News for God’s Children

This is good news for God’s children. Dahil ang buhay natin ay wala sa “sapalaran” o tsamba, kung swerte o malas, na para bang merong impersonal force na nagtatakda ng “kapalaran” o “kinabukasan” natin. No, ang lahat ng nangyayari sa buhay natin ay nasa kamay ng Diyos. Hindi “nagkataon” lang, o “aksidente” lang. Hindi ibig sabihing wala nang kabuluhan yung mga desisyon o aksyon natin. May mga consequences or results pa rin. Pero hindi ito yung “karma.” Sasabihin ng iba, kapag may nangyaring masama sa ‘yo, “Hala, karma ‘yan.” Na para bang yun ay consequence ng ginawa mong kasalanan in the past. Totoong biblical yung “sowing and reaping,” kung ano yung itinanim mo, yun ang aanihin mo. Pero hindi ito isang mechanical na formula na para bang wala nang puwang sa grasya at pagpapatawad ng Diyos.
Hindi rin naman ito yung dadaanin mo na sa sarili mong kamay o diskarte ang buhay mo, “Ako ang bahala” o “Bahala na,” at dadaanin mo lang sa lakas ng loob. Kasi nga, hindi natin hawak o kontrolado ang lahat. Yes, magpaplano tayo, gagawa tayo, pero aminado tayo, “Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. Sa halip ay sabihin ninyo, ‘Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon’” (Jas. 4:14-15 MBB).
The doctrine of providence is good news for us. At dahil din sa pagkilos na ito ng Diyos kaya nakarating sa atin ang good news. Kahit nagsabwatan ang mga puwersa ng kasamaan para ipapatay si Cristo, hindi nila alintana na yun ang paraan ng Diyos para iligtas tayong mga makasalanan. Sabi ni Pedro sa mga Judio during Pentecost, “Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama” (Acts 2:23; cf. 4:27-28).
Marami ring usapin at pagtatalu-talo kung paanong pagtutugmain yung sovereignty ng Diyos sa kanyang providence at yung responsibilidad at accountability ng tao sa mga actions natin. Mahabang diskusyon ‘yan. Pero ngayon, dapat marealize natin, kahit hindi natin lubos na maunawaan, na meron tayong Diyos na kumikilos para iligtas, gabayan at alagaan ang kanyang mga anak, para matiyak na matutupad ang lahat ng kanyang mabuting layunin sa atin. That’s good news, incredibly good news. Hindi lang ito for intellectual discussion, napakalaki ang pakinabang nito sa atin, lalo na sa panahong kagaya nito.
Sa Question 28 ng Heidelberg Catechism, "Ano ang kapakinabangan para sa atin na malaman na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at patuloy Niyang inaalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang pagkalinga?”, heto ang sagot:
Tayo ay magiging mapagtiis sa pagsubok, mapagpasalamat sa kasaganaan, at sa pagharap sa kinabukasan ay magkaroon tayo ng matatag na katiyakan sa ating matapat na Diyos at Ama na walang anumang nilikha ang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig; sapagkat ang lahat ng nilikha ay lubusang nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan at maliban sa Kanyang kalooban ay ni hindi sila makakikilos.
Unang pakinabang ng doctrine of providence, pasasalamat sa kasaganaan. “Every good and every perfect gift” ay galing sa Diyos (Jas. 1:17). Yung pagkakatatag ng church natin 35 years ago, good gift na galing sa Diyos. Yung araw na ito, galing sa Diyos. Yung baptism ng mga kapatid natin mamaya, good gift na galing sa Diyos. Yung trabaho na meron ka. Yung pamilya na meron ka. Yung pagkain sa araw-araw. Yung hangin at tubig, galing sa kanya. Yung buhay mo ngayon, yung kaligtasan na tinanggap mo, ipagpasalamat mo sa Diyos. Dahil siya ang mabuting ama, hindi niya tayo pagkakaitan ng anumang mabuting bagay na kailangan natin (Psa. 84:11). Kasali yung mga pagsubok? Oo.
Yun ang ikalawang pakinabang ng doctrine of providence, pagtitiis sa pagsubok. Lahat ng nangyayari sa buhay mo, alam ng Diyos, nasa kamay ng Diyos. Nagkaroon kayo ng Covid, buong pamilya, may naospital pa, may namatay. Oo, masakit, nakakalungkot, magtatampo ka pa sa Diyos na hinayaan niyang mangyari ang mga ganitong bagay. Pero kung inaalala mo, na ang lahat ay nasa kamay ng Diyos, at ang mga kamay na yun ay mabuti, perfectly good, then alam mo rin, at nakatitiyak ka rin na kahit na yung mga tila hindi mabubuting bagay na nararanasan mo ay gagamitin ng Diyos para sa ikabubuti ng kanyang mga anak (Gen. 50:20; Rom. 8:28).
Kung ayos naman ang kalagayan mo ngayon, meron pa ring pag-aalala sa mangyayari sa kinabukasan. Hindi mo alam kung ikaw naman ang tatamaan ng matinding sakit, o baka may mamatay sa pamilya n’yo dahil sa cancer, o baka hindi pa tayo magkita-kitang lahat sa church at baka yung iba ay hindi na bumalik. So, ikatlong pakinabang ng doctrine of providence, katiyakan sa pagharap sa kinabukasan. Ang nakaraan, ang ngayon, ang bukas ay nasa mga kamay ng Diyos. At alam ng Diyos Ama kung ano ang kailangan natin bukas, at ibibigay niya kung ano ang kailangan natin bukas, kasama yung lakas na kailangan natin para ma-sustain tayo sa panahon ng pagsubok. Ano nga naman ang ipag-aalala mo (Matt. 6:25-34)? Makakatulog ka nang mahimbing gabi-gabi kung alam mo na ang buhay mo ay nasa kamay ng Diyos na lumikha ng langit at lupa.
It is really hard to celebrate our church’s anniversary sa ganitong mga panahon. Nakakapagod kasi, nakakapanghina, nakakalito yung mga naririnig natin at nangyayari sa paligid natin. Kaya dapat natin laging alalahanin, paniwalaan, panghawakan yung first statement sa Creed, “I believe in God the Father almighty, maker of heaven and earth.” Makapangyarihan siya. Mabuti siyang Ama. Siya ang nagbigay ng buhay sa atin, siya ang nagpapanatili sa buhay natin, siya ang nangangalaga at kumakalinga sa atin. You’re in good hands, wag mong kalilimutan ‘yan.
Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo? Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip. Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina. (Isa. 40:28-31 ASD)
Related Media
See more
Related Sermons
See more
Earn an accredited degree from Redemption Seminary with Logos.